INTERNET: BAHAGI NA NG BUHAY NG MGA KABATAAN
Sa kasalukuyang panahon na kinabibilangan natin ngayon, ang paggamit ng internet ay talamak sa mga kabataan lalong lalo na sa mga mag-aaral .Ang pagiging uso nito sa mga kabataan ay may iba't ibang dahilan at nagkaroon ng mga epekto sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Ayon kay M. R. Magnaye (2016), ang internet ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba't ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. Ang mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit sila gumagamit ng internet ay para mangalap ng mga impormasyon, madagdagan ang mga kaalaman na may kinalaman sa paaralan at maghanap ng mga kasagutan sa mga asignatura. Ayon kay A. Palbacal (2018), sinabi niya na napakalaki ng ...